-
Frederick Fabella deposited PAGGALUGAD SA MGA KAMALIAN SA MGA SULATIN SA FILIPINO NG MGA DAYUHANG MAG-AARAL: ISANG PAGSUSURI in the group
Ignatian International Journal for Multidisciplinary Research on Humanities Commons 2 years ago Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman at masuri ang mga kamaliang natamo ng mga dayuhang mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulatin sa Filipino partikular na ang sanaysay sa isa sa mga pampribadong institusyon sa Lungsod ng Tagum, sa Taong Panuruan 2020-2021. Sa pagsusuri sa mga kamalian ng mga dayuhang mag-aaral ay ginamit ang tatlumpong (30) sanaysay bilang corpora sa ginawang pag-aaral. Gumamit ng disenyong kwalitatibo na may lenteng error analysis sang-ayon sa surface structure na taksonomiya ni Corder. Sa pagsusuri sa corpora ng mga dayuhang mag-aaral lumabas ang kamalian sa apat na kategorya. Sa kategoryang pagkukulang ay natuklasan ang kamalian gaya ng pagkukulang sa paggamit ng gitling, kudlit, pagkukulang sa pang-angkop at baybay ng salita. Sa kategoryang pagdaragdag naman natuklasan ang kamalian sa pagdaragdag ng pang-angkop, gitling, pagdaragdag ng kataga at pang-ugnay. Sa kategoryang maling anyo at maling pagpili lumabas ang kamalian sa pagpili ng angkop na salita, pag-uulit ng kataga at salita, gamit ng ng at nang, pananda at aspekto ng pandiwa. Para naman sa kategoryang maling pagkakaayos ay lumitaw ang kamalian sa istruktura ng pangungusap, paralelismo at pokus at aspekto ng pandiwa. Ukol naman sa kung paano nakaaapekto ang kamalian sa kawastuhan ng kanilang akda ay lumitaw ang mga sumusunod na konsepto: nahahadlangan ang kakayahang makapagpahayag, nalilimitahan ang kaalaman sa balarilang Filipino, nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan at kalituhan at negatibong impresyon.